Thursday, February 07, 2008
Best Men Don’t Wed Society 1: Once Bitten, Twice Shy


“Thrice, I have proposed marriage to
three different women. Thrice, I was rejected.
There’s no way I won’t marry the only girl
who proposed marriage to me.”

Dala ng lanis na kabiguan sa pag-ibig, naganyak si Torquil na sumapi sa Best Men Don’t Wed Society, isang samahan ng mga lalaking galit sa babae na ang hangarin ay ipaghiganti ang kanilang kabiguan.

Sa kamalasan, ang natoka rito para paibigin at paluhain ay si Diday, isang babaeng hindi naniniwala sa romantic love. Para sa kanya, iyon ang ugat ng lahat ng problema sa daigdig. Kaya wala siyang balak na umibig.

Ngunit gumuho ang kanyang paninindigan at prinsipyo nang madama ang halik ni Tor.

At si Tor, ngayon ay nagtatanong, bakit mas matamis ang mga labi ni Diday kaysa paghihiganti?

rose_tan_writer remembered on 11:54 AM.