Saturday, July 15, 2006
Blush#7: Sinisinta Kita, Tunay na Tunay

Natapos ang pelikula na hindi ko naintindihan, to think na napanood ko na iyon. I couldn't even
recall the story line. Ganoon katindi ang epekto ng titig ni Arthus sa akin. I was really shaken.


Bakasyon ang hanap ni Nigella, hindi digmaan. Ngunit iyon ang natagpuan niya nang sumama siya sa kanyang pinsan na magbakasyon sa isang rancho.

Kahit kamukha ni Enteng Kabisote ang may-ari ng Rancho Alejandro, hindi naman Enkantasya ang nasuotan niya. Dahil ubod ng sungit at
antipatiko si Arthus. Wala na itong nakitang maganda sa kanya. Wala na itong naisip asarin kundi
siya.

Pero nang magpasya siyang umalis, misteryo ng mga misteryong nakawala lahat ng mga aso roon. Hindi siya makalabas ng rancho.

Hmm, it seemed someone didn't want her to leave.

rose_tan_writer remembered on 4:06 AM.
0 comments