Sunday, May 14, 2006
Modern Girl 3: The First Principle

The First Principle

Alam ni Bam-bam na hindi ganoon kasimple ang buhay. Ngunit mas may kokomplikado pa ba kaysa sa buhay niya?

Her ex was trying to win her back.

A guy her bestfriend really like liked her, too, too much.

Kaya ngayon ay nagagalit sa kanya ang best friend niya. Nakipagkuntsaba ito sa kanyang ex na aminado siyang mahal pa rin niya.

But she was also attracted to the guy her best friend really liked who was liking her back too much, too.

Ano ang gagawin niya? Sino ang pipiliin niya sa dalawang lalaki?

Bahala na nga. hahayaan na lang niyang ang tadhana ang magpasya....

rose_tan_writer remembered on 2:13 PM.
0 comments


Saturday, May 13, 2006
Blush 3: Crush Curse

Crush Curse

"Akitin mo ang Kuya Mack," request kay Mirinda ng kaibigang si Beka. Gusto na sana nitong lumagay sa tahimik. Kaso, may paakaran ang istrikto nitong kuya. Hindi puwedeng makipag-isang-dibdib ang kaibigan niya hanggang binata ang diktator na kapatid nito.

Inis siya kay Mack, dahil sinasabihan siya nito dati na bad influence siya sa kapatid nito. Pinag-resign pa nito sa trabaho ang kapatid, para tuluyang mailayo sa kanya. Kaya nagtaka siya kung bakit siya napapayag sa request ng kabigan niya.

Maybe she was just plain stupid. Or was it something else.

Because Mack may be tyrannical, but hewas also irresistably gorgeous.

rose_tan_writer remembered on 7:03 PM.
0 comments



Blush 1: Encrushed

Encrushed

Ang lupit naman yata ng mundo. Pinagkakaisahan na yata siya ng bituin ng tadhana.

And kaibigan niyang kabit, mapapakasalan na; and kabarkada niyang antipatika na hindi naman kagandahan, may seryosong boyfriend; and friend niyang bading, may minamahal at nagmamahal; at ang kubang kahera nila, buntis at ikakasal na rin.

Pero siya, si Amparo Dimailig, biente-siyete anyos at beinte-dos oras na sa daigdig, may tamang sukat ng pangangatawan, nasa magandang kalusugan, may maayos na trabaho, may kabuhayan, ay wala ni kalahating suitor!

At ang herodes na si Nemesio---ang crush niya since kinder--- ay mas gugustuhin pang mapagbintangang bading kaysa magkagusto sa kanya!

rose_tan_writer remembered on 6:55 PM.
0 comments


Monday, May 08, 2006
Modern Girl 1: Material Girl

Material Girl

Aminado si Romina na materialistic siya. Gusto niyang makapangasawa ng mayaman kaya ginawa niya ang lahat para makapasok sa sirkulo ng mga ito.

Para makabingwit ng malaking isda, nagpanggap siya na heredera. Nagtagumpay naman siya. She caught herself a wealthy fiancé. Kaso, kailangan niyang panindigan na mayaman siya. That spelled disaster.

Pero may pag-asa pa siya. Sa mga oras ng kagipitan, isa lang ang lagi niyang nilalapitan----si Gaston, her self-appointed guardian. He agreed to help her and everything went smoothly.

Until she caught the fever----the Gaston Fever. Bata, matanda, may ngipin o wala, basta babae ay walang ligtas sa six-footer at simpatikong epidemya. Bigla-bigla ay parang hindi na kaibigan lang ang tuing niya rito. Nagseselos siya sa mga babaeng napapaugnay rito.

Ang hirap pala kapag puso ang nilagnat. Walang antibiotics na makakagamot......

rose_tan_writer remembered on 11:39 PM.
0 comments



Señorita 26: Emilianna

Emilianna

"San Antonio, San Pedro, San Celestino, Saint Therese, the Little FLower, iligtas niyo ako. Saint Michael, the Archangel, defend me in the day of battle. San Luisa, San Marcelino, San Lucas, San---"Naubusan na ng santong dadasalan si Vicene at tila gusto nang sumigaw sa masidhing takot. Nag-iisa itong nagmamaneho sa madilim na highway.

May babaeng nananangis sa backseat ng pickup nito! Ang pamosong White Lady!

Ang "White Lady"ay walang iba kundi siya----si Emilianna na sa kagipitan at sa nakaambang panganib ay sa pickup ni Vicente nagtago. Malay ba niyang matatakuin ito? Kung aamin naman siya na hindi siya ang White Lady, baka ihagis siysa sa highway ng guwapong driver!

rose_tan_writer remembered on 11:34 PM.
0 comments



Señorito 10: Gregorio

Gregorio

Nagising na lang si Gregorio isang umaga na bilyonaryo na siya. Dahil sa kapalarang iyon, pinag-agawan siya ng mga kababaihan sa kanilang bayan---lahat ay gustong makabahagi sa kanyang bilyones.

Para makaiwas sa mga babaeng mukhang pera ay naisip niyang magpakasal-----kay Donatella, ang babeng hindi type ang kanyang kabaduyan. Sa pagpupursigi niya, napapayag din niya ito.

Ngunit nagbago ang kanyang isip. Ayaw na niyang magpakasal...

rose_tan_writer remembered on 11:27 PM.
2 comments