Monday, February 25, 2008
The List by Rose Tan




Hindi matanggap ni Sylvia na mag-aasawa na ang kaisa-isang kaibigan niya habang siya
ay walang naaaninag ni kalyo ni Mr. Right. Kaya para luminaw nang kaunti sa kanyang imahinasyon ang ideal man niya, gumawa siya ng listahan ng mga katangian nito.

Listahan na hindi niya alam na napunta sa mga kamay ni Gordon. Nang mabasa nito iyon, nabuo ang isang ideya sa isip nito: Aangkinin nito ang mga katangiang nakatala sa listahan.
[b]
Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ni Sylvia. Akalain ba naman niyang God-fearing, resourceful , romantiko, funny at iba pa ang temporary housemate niya? Puwede na itong mahalin kung ganoon...

rose_tan_writer remembered on 8:05 PM.