Saturday, May 13, 2006
Blush 1: Encrushed

Encrushed

Ang lupit naman yata ng mundo. Pinagkakaisahan na yata siya ng bituin ng tadhana.

And kaibigan niyang kabit, mapapakasalan na; and kabarkada niyang antipatika na hindi naman kagandahan, may seryosong boyfriend; and friend niyang bading, may minamahal at nagmamahal; at ang kubang kahera nila, buntis at ikakasal na rin.

Pero siya, si Amparo Dimailig, biente-siyete anyos at beinte-dos oras na sa daigdig, may tamang sukat ng pangangatawan, nasa magandang kalusugan, may maayos na trabaho, may kabuhayan, ay wala ni kalahating suitor!

At ang herodes na si Nemesio---ang crush niya since kinder--- ay mas gugustuhin pang mapagbintangang bading kaysa magkagusto sa kanya!

rose_tan_writer remembered on 6:55 PM.