Monday, May 08, 2006
Modern Girl 1: Material Girl
Material Girl
Aminado si Romina na materialistic siya. Gusto niyang makapangasawa ng mayaman kaya ginawa niya ang lahat para makapasok sa sirkulo ng mga ito.
Para makabingwit ng malaking isda, nagpanggap siya na heredera. Nagtagumpay naman siya. She caught herself a wealthy fiancé. Kaso, kailangan niyang panindigan na mayaman siya. That spelled disaster.
Pero may pag-asa pa siya. Sa mga oras ng kagipitan, isa lang ang lagi niyang nilalapitan----si Gaston, her self-appointed guardian. He agreed to help her and everything went smoothly.
Until she caught the fever----the Gaston Fever. Bata, matanda, may ngipin o wala, basta babae ay walang ligtas sa six-footer at simpatikong epidemya. Bigla-bigla ay parang hindi na kaibigan lang ang tuing niya rito. Nagseselos siya sa mga babaeng napapaugnay rito.
Ang hirap pala kapag puso ang nilagnat. Walang antibiotics na makakagamot......
rose_tan_writer remembered on 11:39 PM.