Thursday, February 07, 2008
Best Men Don’t Wed Society 2: What Do You Get When you Fall In Love?


“You were always there to
remind me that women, indeed,
are worth dying for.”

Ayaw na ayaw ni Calixta na mapunta si Ace sa “mortal enemy” niyang si Hyacinth. Kahit former crush niya lang ang binata, ayaw niyang mapariwara ito. Kaya naman nang malaman niyang type ng best friend niya si Ace ay gumawa siya ng paraan. Mas mabuti nang sa best friend niya mapunta ito kaysa kay Hyacinth. At least, Ace would be in good hand.

Pero natuklasan na lang niya bigla na ang lahat ng iyon pala ay ginawa para sa sarili. Dahil ang damdamin pala niya rito noon ay hindi nawala. Napukaw iyon ng muling pagkikita nila.

Kaya naman ganoon na lang ang pag-asang naramdaman niya nang minsang halikan siya ni Ace.

Ngunit may natuklasan siyang lihim nito. At tila iyon ang mas higit na magiging hadlang upang ibigin siya nito…

rose_tan_writer remembered on 11:57 AM.