Monday, February 25, 2008
The List by Rose Tan




Hindi matanggap ni Sylvia na mag-aasawa na ang kaisa-isang kaibigan niya habang siya
ay walang naaaninag ni kalyo ni Mr. Right. Kaya para luminaw nang kaunti sa kanyang imahinasyon ang ideal man niya, gumawa siya ng listahan ng mga katangian nito.

Listahan na hindi niya alam na napunta sa mga kamay ni Gordon. Nang mabasa nito iyon, nabuo ang isang ideya sa isip nito: Aangkinin nito ang mga katangiang nakatala sa listahan.
[b]
Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ni Sylvia. Akalain ba naman niyang God-fearing, resourceful , romantiko, funny at iba pa ang temporary housemate niya? Puwede na itong mahalin kung ganoon...

rose_tan_writer remembered on 8:05 PM.
0 comments


Friday, February 08, 2008
Fruitcakes: Mutya ng Madre Cacao



"Sinagip mo ang buhay ko at itinaya mo ang kinabukasan mo para sa akin.In my book,that's love beyond reasonable doubt."

Kinidnap,Binugbog,at inilibing siya nang buhay.Ang akala ni Alfon ay katapusan na niya.Pero may dumating na anghel at hinukay siya sa kanyang libingan.

Si Mutya.Ang kaso,Kapalit ng kaligtasan niya ay ang pananatili nang habang-buhay sa bayan ng Madre Cacao.Hindi puwede iyon.Pinakiusapan niya si Mutya na tulungan siyang makatakas doon.

Pumayag ito.Pero dahil doon ay nalagay sila sa alanganin at itinakda ang kanilang kasal.

Hindi siya makatutol.masarap kasi ang halik nito.

rose_tan_writer remembered on 8:54 PM.
0 comments



Fruitcakes: Cuckoodoodleduo


"Ako rin ang my gustong tapusin na ang mga naging relasyon ko.Dahil sa iyo.Dahil kagaya ng picture mo,itinago kita sa puso ko."

Miriam and Elmo grew up together.Hers was the first "tambok"he had ever seen and it was flat,actually.

He was the first naked male she had ever seen and that black,scary thing between his thighs brought her an anxiety attact.She was two then.

Three presidents later,she got kidnapped...by Elmo.Dinala siya sa isang malayong isla para ilayo sa DOM na pinagpapa-cute-an niya.Hindi niya inakalang sa islang iyon ay mabubunyag ang isang lihim...

Clue: It's a many splendored thing.

rose_tan_writer remembered on 8:52 PM.
0 comments


Thursday, February 07, 2008
Blush Series #13: Dream On


Nahabag yata kay Marianita ang mga palnetaat bituin kaya binigyan siya ng pagkakataon ng mga iyon na makilala si Rich Montealto, ang guwapong lalaking walong buwan at dalawa't kalahating linggong pinapantasya niya ng lihim.

Determinado siyang maakit ito kaya sa gabi ng kanilang blind date ay "binulag" nya ito at pinaniwala sa isang kasinungalingan. Itinago niya ang totoong pagkatao niya rito sa takot na alipustahin siya nito. Kaya ng mabuking nito ang kanyang lihim ay ni hindi niya magawang kumurap sa tindi ng kahihiyan at kabiguan.

rose_tan_writer remembered on 9:25 PM.
0 comments



Blush Series #12 :You're Still You


Hindi inaasahan ni Julia ang kumatok sa pinto niya isang umaga----pag-ibig sa katauhan ni Doc Toto, the pediatrician next door. Pamoilyar ito pero ayaw na niyang alalahanin ang kahawig nito na si Aristotle, the skinny boy with bad skin she made fun years ago. Para sa kanya ay isang masamang panaginip ang lalaki. Isa pa, imposible naman na ang simpatiko at maskuladongdoktor ay si Aristotle. Pero paano nga jung iisang tao lang ang mga ito?

rose_tan_writer remembered on 9:23 PM.
0 comments



Blush series #11-The Woman Who Could Not Be Taken


Playboyman ay maprinsipyo si Chet kaya hindi niya mapapalagpas ang hamon ng kanyang kaibigan; lalo na at repustasyon at paniniwala niya ang nakataya roon. Simple lang naman ang agagwin niya: Kailangan niyang mapasagot si Patience, the woman who couldnt be taken. Hindi naman madre ito at lalong hindi ilaw nh tahanan pero hindi raw ito puwedeng ligawan. Isang bugtong uyon na desido siyang hanapan ng sagot.

rose_tan_writer remembered on 9:23 PM.
0 comments



Blush 10 He Loves Me, He Loves Me So


Love at first sight siguro ang tumama kay dee-dee kaya nagawa niyang sundan ang boyfriend ng babaeng umaway sa kanya sa mall. Nuknukan kasi ng kisig ang lalaki. Hindi lang niya basta sinundan ito. Minemorya pa niya ang plaka ng sasakyan nito at kung saan ito naklatira.

She ound out that Tristan was a chef and he was perpetually curious about food. So she decided to stir his interest by sending him cakes and pastries. Nasarapan naman ito sa mga pinadala niya rito, so he launched a campaign to unveil his secret admirer.

Mabuking kaya siya nito?

rose_tan_writer remembered on 9:22 PM.
0 comments



Senorita 31: Fabiola


Fabby had everything except a family and she desperately needed one as soon as possible.

Nakakita naman siya. Sa pamamagitan ng salapi at karinyo, tinanggap siya ng pamilya Dimainot sa pamamahay ng mga ito. Kaso, ang akala niya, isang dalagita lamang ang anak ng mag-asawang umampon sa kanya. Hindi pala.

"Who is this?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang lalaking nasa larawan.

"That's my kuya. Isnt he cute?" wika naman ng dalagita.

Cute? That was the greatest understatement. The guy in picture was absolutely gorgeous. His name was Harry.

Unfortunately, Harry didnt like her.

rose_tan_writer remembered on 9:21 PM.
0 comments



Senorita #30: GRACIELLA


Dahila sa selosong bding na nais maghiganti, napunta si Graciella sa Montecillo household bilang yaya ng anak ni Gaston, isang masungit at malupit na biyudo.

Hindi lamang iyon, the man was weird. Pagbintangan ba naman siyang inaakit niya ito dahil sa kayaman nito?

Isang beses na hindi na siya nakatiis dito ay hinalikan niya ito.

She became a guilty of seduction.

rose_tan_writer remembered on 9:20 PM.
0 comments



Senorita #28: MATILDA


Tilde's father died and left the family with nothing but debts. Isa sa pinagkakautangan ng kanyang papa ay si Altheo Bragante whose attitude rhymed with his name: Arogante. Nakasanla rito ang bahay at lupa nila. Binigyan lamang sila nito ng isang buwan para maghanap ng malilipatan.

Her mother had a brilliant idea: Akitin niya si Altheo para pakasalan siya nito. Sa ganoong paraan daw ay mapapasakanila uli ang tanging ari-arian nila.


"Hindi mo siya kailangan mahalin, basta akitin mo lang" sabi ng kanyang mama.

She was a very obedient daughter.

rose_tan_writer remembered on 9:18 PM.
0 comments



Senorita #27: Georgia


Bituing sinapawan ang ningning. Iyan ang sinapit ni Georgia nang muli ay maglakad siya bilang Reyna Elena sa Santa-Cruzan. Siya ang star of the night, ang supernova ng taunang Flores de Mayo.

But this year, someone took the limelight away from her. Not another sagala. Hindi lindol, hindi tsunami, hindi landslide. Ang asteroid na tumakip sa kanyang ningning ay walang iba kundi si Ben Primero, ang eskorte niya. Tinilian, pinalakpakan, at dinumog ito ng tanan.

Hindi niya mapatawad ito....

rose_tan_writer remembered on 12:08 PM.
0 comments



Its Magic


Nang gabing kukunin na ni NIck ang malaking perang gagamitin nila ni Libby para sa binabalak nilang pagpapakasal ay hinarang at binugbog siya ng isang grupo ng mga kalalakihan at iniwan ng mga ito na halos wala ng buhay.

Lumipas ang mga taon na kahit isang sandali ay hindi nawaglit sa kanyang isip si Libby. Para sa kanya ay ito lamang ang natatanging gamot na muling bubuhay sa kanya. Ngunit paano magyayari iyon kung sa muling pagtatagpo nila ay buong buo pa rin ang paniniwala nito na mula noon hanggang nagyon ay lason ang tingin niya rito basta na lamang tinapon noon?

rose_tan_writer remembered on 12:08 PM.
0 comments



PAPA CALOY

There was a new guy in town and his name was Carlito "papa Caloy" Dalangin. Nalaglag ang mga panga at nanginig ang mga tuhod ni Sadie ng masilayan niya ang binata. Sa spbrang pagkakilig pa niya ay hinimatay siya sa harap nito at sumubsob siya sa flip-flops nito.

Nang magkamalay siya at ang guwapong mukha nito ang unang nasilayan niya ay natagpuan niya ang sariling in love na rito. Ang problema, deadma lang sa kanya si Papa Caloy. Mas gugustuhin pa raw nito ang maging ermitanyo kaysa pansanin ang isang katulad nya.

nagtanim siya ng galit dito at nagpasyang huwag na uling puntahan ito para alukin ng mga produktong itinitinda niya. Pero isang araw ay nagulat siya ng ito ang sumadya sa kanilang bahay at hingin nito ang tulong niya. Paano ba niya tutulunga ito ng hindi masasngkot ang kanyang puso?

rose_tan_writer remembered on 12:07 PM.
0 comments



ROBYN'S NEST


Gagawin ni Robyn ang lahat mapansin lamang siya ni Sam. Lahat----meaning, kahit umakyat pa siya ng bundok. Nagplano kasing mag-hiking ito at nag mga kabarkada nito.


Ngunit ng habulin siya ng mga bubuyog na di sinasadyang nabulabog niya ay napawalay siya sa kanyang mga kasama.

Bumagsak siya sa kamay ni Che, isang enviromentalist na kay Mother Earth lang interesado at hindi sa kagaya niyang ang alam lamang sa nature ay spelling.

Ano pa? Ni hindi sila magkasundo.

Pero ng ma-dengue at nangatal ito sa lagnat, kay higpit ng yakap niya rito!

rose_tan_writer remembered on 12:07 PM.
0 comments



Ooppss!


Si Trip ang huling nilalang na nais makatagpo uli ni Lucresia. Ten years ago ay may ginawa siya na naging sanhi para pagtawanan siya ng husto nito at hangarin niyang sana'y hindi na lamang siya nabuhay sa mundo. Hanggang ngayon ay parang bangungot pa rin sa kanya ang malakas na halakhak nito. Pero totoo nga siguro ang destiny. Dahil isang araw ay dinala nito si Trip sa pinto ng kanyang puso, kumakatok, naunukso at nag-aanyaya ng pag-ibig.

And so, oopss, she did it again!

rose_tan_writer remembered on 12:06 PM.
0 comments



My Love, My Hero: Tobias


Para matakasan ang buhay na puno ng hinagpis na naghihintay kay Preciosa kapag naikasal na siya sa lalaking hindi niya mahal ay nagpasya siyang lumayo at magsimula ng buhay na malayung-malayo sa karangyaang kinagisnan niya.

But for her to be able to land a job, she must learn how to drive. Tobias Matias was a driving instructor with a golden grin. Soon, Preciosa learned that keeping her eyes on road wasnt easy, lalo na kapag may katabing guwapo.

Sumabit kaya siya sa pag-aaral na magmaneho o sumabit siya sa puso ni Tobias?

rose_tan_writer remembered on 12:04 PM.
0 comments



Ang Lihim ng Bahaghari


Si Enia at ang "natatanging" powers niya bilang psychic ang makakapagbigay-linaw sa isang kaso na may kinalaman sa buhay ni Delano. Pero walang kaalam-alam ang lalaki sa kanya kaya ng magtungo ito sa kanyang bahay ay siya pa nag nagulat at natakot. Hindi man daw ito naniniwala sa hula ay pinuntahan pa rin siya nito.

Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya kaya kay dali niyang napabilib ito. Kumbinsido na raw sa "powers" niya nag guwapong kliyente. Wala itong kamalay-malay na pinamatyagan niya ito kaya tama ang lahat ng hula niya.

Okay na sana ang session kung di nito sinabi ang totoong pakay nito. Sinasabi ng kanyang isip na magawa lang niya ang hinihiling nito ay maapapasakanya na rin ang puso nito. Pero paano nga matutulungan ito kung japeyk ang powers niya?

rose_tan_writer remembered on 12:03 PM.
0 comments



Pamana ni LOla

Isa lang daw sa kanila ni HIlario ang pipiliing tagapagmana ni LOla Ichay, isang bilyonaryang wala na yatang magawa sa buhay. Pero kung pamamanahan siya--aba!-- hindi niya tatanggihan, sa loob-loob ni Herminia. Ang kailangan lang, mawala sa landas ang kaagawa niya. Kaya by hook or by crook, kailangan ma-eliminate si Hilario.

Kaso may proposal ang lalaki--proposal na wala raw talo.

"Magpakasal tayo" wika nito.

Pumayag siya.

"Basta walang honeymoon" kondisyon niya.

Matupad kaya?

rose_tan_writer remembered on 12:02 PM.
0 comments



Meant to be

Balik probinsiya si Sadie dahil nawalan siya ng trabaho. Pero may masakalap pa roon--- her ex-boyfriend, Taylor was also back in town. Ito ang lalaking iniyakan niya ng tatlong drum ng luha dahil ipinagpalit siya sa babaeng mukhang hopia. At higit ang higit pang masaklap sa masaklap: Sa paupahang duplex pa nila tumira ang lalaki.

Tinutukso-tukso nito ang kanyang puso na hindi pa niya lubusang nagu-glue mula sa pagkadurog two thousand one hundred ninety days ago...

rose_tan_writer remembered on 12:02 PM.
0 comments



My Love, My Hero: Andres


Isa si Raya sa mga hinahangaang artista ng bansa. May threat sa buhay niya. At upang maproteksiyunan siya, kinuha niya ang serbisyo ng isang bodyguard—si Andres, disiplinado, istrikto, at halos hindi nagsasalita. Pero effective ito. He was so effective that she couldn’t keep a secret for him. Pati nga yata puso niya ay naguwardiyahan na nito. Pero may isang sekreto siya na handa siyang buwisan ng buhay huwag lamang mabulgar. But Andres found out and he was disgusted with it…

rose_tan_writer remembered on 12:01 PM.
0 comments



Best Men Don’t Wed Society 3: The Best Man Gets The bride


“Being with you is like being with a party of
myself and I can just be who and what I am.”

Para makaligtas sa mga galamay ng Best Men Don’t Wed Society, nagpanggap na tomboy si Bambi. Sa ganoon, wala nang manliligaw sa kanya. May phobia na siya sa mga kalalakihan. Lahat ay pinagdududahan niyang miyembro ng dreaded society.

At dahil “pusong-lalaki” naman daw siya, pinakiusapan siya ng “girlfriend” ng abogado nilang boarder na si Miguel Aragon na i-seduce ang lalaki. Para mapatunayan daw ang katapatan ni Miguel ditto.

Ayaw niyang pumayag ngunit nang mapag-isa sila ni Miguel sa isang secluded na resort, well, isa sa kanila ang natukso. Because they ended up kissing.

Ang ikinatatakot niya, paano kung miyembro din pala ito ng Society? Lalo pa nga at may sinabi itong nagpagimbal sa kanya nang husto…

rose_tan_writer remembered on 11:59 AM.
0 comments



Best Men Don’t Wed Society 2: What Do You Get When you Fall In Love?


“You were always there to
remind me that women, indeed,
are worth dying for.”

Ayaw na ayaw ni Calixta na mapunta si Ace sa “mortal enemy” niyang si Hyacinth. Kahit former crush niya lang ang binata, ayaw niyang mapariwara ito. Kaya naman nang malaman niyang type ng best friend niya si Ace ay gumawa siya ng paraan. Mas mabuti nang sa best friend niya mapunta ito kaysa kay Hyacinth. At least, Ace would be in good hand.

Pero natuklasan na lang niya bigla na ang lahat ng iyon pala ay ginawa para sa sarili. Dahil ang damdamin pala niya rito noon ay hindi nawala. Napukaw iyon ng muling pagkikita nila.

Kaya naman ganoon na lang ang pag-asang naramdaman niya nang minsang halikan siya ni Ace.

Ngunit may natuklasan siyang lihim nito. At tila iyon ang mas higit na magiging hadlang upang ibigin siya nito…

rose_tan_writer remembered on 11:57 AM.
0 comments



Best Men Don’t Wed Society 1: Once Bitten, Twice Shy


“Thrice, I have proposed marriage to
three different women. Thrice, I was rejected.
There’s no way I won’t marry the only girl
who proposed marriage to me.”

Dala ng lanis na kabiguan sa pag-ibig, naganyak si Torquil na sumapi sa Best Men Don’t Wed Society, isang samahan ng mga lalaking galit sa babae na ang hangarin ay ipaghiganti ang kanilang kabiguan.

Sa kamalasan, ang natoka rito para paibigin at paluhain ay si Diday, isang babaeng hindi naniniwala sa romantic love. Para sa kanya, iyon ang ugat ng lahat ng problema sa daigdig. Kaya wala siyang balak na umibig.

Ngunit gumuho ang kanyang paninindigan at prinsipyo nang madama ang halik ni Tor.

At si Tor, ngayon ay nagtatanong, bakit mas matamis ang mga labi ni Diday kaysa paghihiganti?

rose_tan_writer remembered on 11:54 AM.
0 comments


Saturday, July 15, 2006
Blush#7: Sinisinta Kita, Tunay na Tunay

Natapos ang pelikula na hindi ko naintindihan, to think na napanood ko na iyon. I couldn't even
recall the story line. Ganoon katindi ang epekto ng titig ni Arthus sa akin. I was really shaken.


Bakasyon ang hanap ni Nigella, hindi digmaan. Ngunit iyon ang natagpuan niya nang sumama siya sa kanyang pinsan na magbakasyon sa isang rancho.

Kahit kamukha ni Enteng Kabisote ang may-ari ng Rancho Alejandro, hindi naman Enkantasya ang nasuotan niya. Dahil ubod ng sungit at
antipatiko si Arthus. Wala na itong nakitang maganda sa kanya. Wala na itong naisip asarin kundi
siya.

Pero nang magpasya siyang umalis, misteryo ng mga misteryong nakawala lahat ng mga aso roon. Hindi siya makalabas ng rancho.

Hmm, it seemed someone didn't want her to leave.

rose_tan_writer remembered on 4:06 AM.
0 comments


Sunday, May 14, 2006
Modern Girl 3: The First Principle

The First Principle

Alam ni Bam-bam na hindi ganoon kasimple ang buhay. Ngunit mas may kokomplikado pa ba kaysa sa buhay niya?

Her ex was trying to win her back.

A guy her bestfriend really like liked her, too, too much.

Kaya ngayon ay nagagalit sa kanya ang best friend niya. Nakipagkuntsaba ito sa kanyang ex na aminado siyang mahal pa rin niya.

But she was also attracted to the guy her best friend really liked who was liking her back too much, too.

Ano ang gagawin niya? Sino ang pipiliin niya sa dalawang lalaki?

Bahala na nga. hahayaan na lang niyang ang tadhana ang magpasya....

rose_tan_writer remembered on 2:13 PM.
0 comments


Saturday, May 13, 2006
Blush 3: Crush Curse

Crush Curse

"Akitin mo ang Kuya Mack," request kay Mirinda ng kaibigang si Beka. Gusto na sana nitong lumagay sa tahimik. Kaso, may paakaran ang istrikto nitong kuya. Hindi puwedeng makipag-isang-dibdib ang kaibigan niya hanggang binata ang diktator na kapatid nito.

Inis siya kay Mack, dahil sinasabihan siya nito dati na bad influence siya sa kapatid nito. Pinag-resign pa nito sa trabaho ang kapatid, para tuluyang mailayo sa kanya. Kaya nagtaka siya kung bakit siya napapayag sa request ng kabigan niya.

Maybe she was just plain stupid. Or was it something else.

Because Mack may be tyrannical, but hewas also irresistably gorgeous.

rose_tan_writer remembered on 7:03 PM.
0 comments



Blush 1: Encrushed

Encrushed

Ang lupit naman yata ng mundo. Pinagkakaisahan na yata siya ng bituin ng tadhana.

And kaibigan niyang kabit, mapapakasalan na; and kabarkada niyang antipatika na hindi naman kagandahan, may seryosong boyfriend; and friend niyang bading, may minamahal at nagmamahal; at ang kubang kahera nila, buntis at ikakasal na rin.

Pero siya, si Amparo Dimailig, biente-siyete anyos at beinte-dos oras na sa daigdig, may tamang sukat ng pangangatawan, nasa magandang kalusugan, may maayos na trabaho, may kabuhayan, ay wala ni kalahating suitor!

At ang herodes na si Nemesio---ang crush niya since kinder--- ay mas gugustuhin pang mapagbintangang bading kaysa magkagusto sa kanya!

rose_tan_writer remembered on 6:55 PM.
0 comments


Monday, May 08, 2006
Modern Girl 1: Material Girl

Material Girl

Aminado si Romina na materialistic siya. Gusto niyang makapangasawa ng mayaman kaya ginawa niya ang lahat para makapasok sa sirkulo ng mga ito.

Para makabingwit ng malaking isda, nagpanggap siya na heredera. Nagtagumpay naman siya. She caught herself a wealthy fiancé. Kaso, kailangan niyang panindigan na mayaman siya. That spelled disaster.

Pero may pag-asa pa siya. Sa mga oras ng kagipitan, isa lang ang lagi niyang nilalapitan----si Gaston, her self-appointed guardian. He agreed to help her and everything went smoothly.

Until she caught the fever----the Gaston Fever. Bata, matanda, may ngipin o wala, basta babae ay walang ligtas sa six-footer at simpatikong epidemya. Bigla-bigla ay parang hindi na kaibigan lang ang tuing niya rito. Nagseselos siya sa mga babaeng napapaugnay rito.

Ang hirap pala kapag puso ang nilagnat. Walang antibiotics na makakagamot......

rose_tan_writer remembered on 11:39 PM.
0 comments



Señorita 26: Emilianna

Emilianna

"San Antonio, San Pedro, San Celestino, Saint Therese, the Little FLower, iligtas niyo ako. Saint Michael, the Archangel, defend me in the day of battle. San Luisa, San Marcelino, San Lucas, San---"Naubusan na ng santong dadasalan si Vicene at tila gusto nang sumigaw sa masidhing takot. Nag-iisa itong nagmamaneho sa madilim na highway.

May babaeng nananangis sa backseat ng pickup nito! Ang pamosong White Lady!

Ang "White Lady"ay walang iba kundi siya----si Emilianna na sa kagipitan at sa nakaambang panganib ay sa pickup ni Vicente nagtago. Malay ba niyang matatakuin ito? Kung aamin naman siya na hindi siya ang White Lady, baka ihagis siysa sa highway ng guwapong driver!

rose_tan_writer remembered on 11:34 PM.
0 comments



Señorito 10: Gregorio

Gregorio

Nagising na lang si Gregorio isang umaga na bilyonaryo na siya. Dahil sa kapalarang iyon, pinag-agawan siya ng mga kababaihan sa kanilang bayan---lahat ay gustong makabahagi sa kanyang bilyones.

Para makaiwas sa mga babaeng mukhang pera ay naisip niyang magpakasal-----kay Donatella, ang babeng hindi type ang kanyang kabaduyan. Sa pagpupursigi niya, napapayag din niya ito.

Ngunit nagbago ang kanyang isip. Ayaw na niyang magpakasal...

rose_tan_writer remembered on 11:27 PM.
2 comments