Thursday, February 07, 2008
Best Men Don’t Wed Society 3: The Best Man Gets The bride


“Being with you is like being with a party of
myself and I can just be who and what I am.”

Para makaligtas sa mga galamay ng Best Men Don’t Wed Society, nagpanggap na tomboy si Bambi. Sa ganoon, wala nang manliligaw sa kanya. May phobia na siya sa mga kalalakihan. Lahat ay pinagdududahan niyang miyembro ng dreaded society.

At dahil “pusong-lalaki” naman daw siya, pinakiusapan siya ng “girlfriend” ng abogado nilang boarder na si Miguel Aragon na i-seduce ang lalaki. Para mapatunayan daw ang katapatan ni Miguel ditto.

Ayaw niyang pumayag ngunit nang mapag-isa sila ni Miguel sa isang secluded na resort, well, isa sa kanila ang natukso. Because they ended up kissing.

Ang ikinatatakot niya, paano kung miyembro din pala ito ng Society? Lalo pa nga at may sinabi itong nagpagimbal sa kanya nang husto…

rose_tan_writer remembered on 11:59 AM.