Thursday, February 07, 2008
Ang Lihim ng Bahaghari


Si Enia at ang "natatanging" powers niya bilang psychic ang makakapagbigay-linaw sa isang kaso na may kinalaman sa buhay ni Delano. Pero walang kaalam-alam ang lalaki sa kanya kaya ng magtungo ito sa kanyang bahay ay siya pa nag nagulat at natakot. Hindi man daw ito naniniwala sa hula ay pinuntahan pa rin siya nito.

Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya kaya kay dali niyang napabilib ito. Kumbinsido na raw sa "powers" niya nag guwapong kliyente. Wala itong kamalay-malay na pinamatyagan niya ito kaya tama ang lahat ng hula niya.

Okay na sana ang session kung di nito sinabi ang totoong pakay nito. Sinasabi ng kanyang isip na magawa lang niya ang hinihiling nito ay maapapasakanya na rin ang puso nito. Pero paano nga matutulungan ito kung japeyk ang powers niya?

rose_tan_writer remembered on 12:03 PM.