Thursday, February 07, 2008
PAPA CALOY
There was a new guy in town and his name was Carlito "papa Caloy" Dalangin. Nalaglag ang mga panga at nanginig ang mga tuhod ni Sadie ng masilayan niya ang binata. Sa spbrang pagkakilig pa niya ay hinimatay siya sa harap nito at sumubsob siya sa flip-flops nito.
Nang magkamalay siya at ang guwapong mukha nito ang unang nasilayan niya ay natagpuan niya ang sariling in love na rito. Ang problema, deadma lang sa kanya si Papa Caloy. Mas gugustuhin pa raw nito ang maging ermitanyo kaysa pansanin ang isang katulad nya.
nagtanim siya ng galit dito at nagpasyang huwag na uling puntahan ito para alukin ng mga produktong itinitinda niya. Pero isang araw ay nagulat siya ng ito ang sumadya sa kanilang bahay at hingin nito ang tulong niya. Paano ba niya tutulunga ito ng hindi masasngkot ang kanyang puso?
rose_tan_writer remembered on 12:07 PM.