Thursday, February 07, 2008
ROBYN'S NEST


Gagawin ni Robyn ang lahat mapansin lamang siya ni Sam. Lahat----meaning, kahit umakyat pa siya ng bundok. Nagplano kasing mag-hiking ito at nag mga kabarkada nito.


Ngunit ng habulin siya ng mga bubuyog na di sinasadyang nabulabog niya ay napawalay siya sa kanyang mga kasama.

Bumagsak siya sa kamay ni Che, isang enviromentalist na kay Mother Earth lang interesado at hindi sa kagaya niyang ang alam lamang sa nature ay spelling.

Ano pa? Ni hindi sila magkasundo.

Pero ng ma-dengue at nangatal ito sa lagnat, kay higpit ng yakap niya rito!

rose_tan_writer remembered on 12:07 PM.