Thursday, February 07, 2008
Its Magic


Nang gabing kukunin na ni NIck ang malaking perang gagamitin nila ni Libby para sa binabalak nilang pagpapakasal ay hinarang at binugbog siya ng isang grupo ng mga kalalakihan at iniwan ng mga ito na halos wala ng buhay.

Lumipas ang mga taon na kahit isang sandali ay hindi nawaglit sa kanyang isip si Libby. Para sa kanya ay ito lamang ang natatanging gamot na muling bubuhay sa kanya. Ngunit paano magyayari iyon kung sa muling pagtatagpo nila ay buong buo pa rin ang paniniwala nito na mula noon hanggang nagyon ay lason ang tingin niya rito basta na lamang tinapon noon?

rose_tan_writer remembered on 12:08 PM.